Ito ang mga salitang pinasikat ng komiks artist na si Manix Abrera. Sa pamamagitan ng kanyang kakaibang istilo sa pagguhit at mga linyang hitik sa katatawanan (minsan ay kakornihan), mahigit isang dekada na niyang pinapatawa ang mga mambabasa ng Kiko Machine Komiks na lumalabas araw-araw sa Philippine Daily Inquirer.
Bagamat hindi tahasang sinasabi kung ano ang pangunahing tagpuan ng Kiko Machine Komiks, ipinakilala ni Manix sa publiko kung ano ang kakaibang kultura ng buhay campus sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman nang hindi naa-isolate ang mambabasang hindi taga-Peyups sadyang madaling maka-relate ang mga mambabasa sa karakter at ugali ng mga tauhan.
Ang Kiko Machine Komix ang nagpakilala kay Manix bilang isa sa mga pinakasikat na komiks artist sa Pilipinas. Sa mahigit isang dekada nang pamamayagpag nito sa komiks section ng Inquirer at pitong book compilation nito, dagdag pa ang graphic novel na 12, masasalamin kay Manix ang pagkamalikhain at sense of humor ng Pinoy.
Ngunit hindi lamang ang Kiko Machine Komiks ang maipagmamalaking obra ni Manix. Noong mga nakaraang buwan, lumabas ang kaniyang mga komiks na sumasalamin sa mga kwento sa likod ng balita at pagbabalita. Nariyan ang News Hardcore, na lumalabas sa GMA News Online, at ang Pressed Freedom, na lumalabas buwan-buwan sa Philippine Journalism Review ng Center for Media Freedom and Responsibility.
Dahil sa mga komiks na ito, inilabas ni Manix ang kaniyang sining mula sa pangkaraniwan niyang tagpuan, ang Diliman campus, tungo sa mas malawak na espasyo ng news media, na siyang isa sa mga pinakamalawak na daluyan ng impormasyon. Sa News Hardcore at Pressed Freedom, nasasalamin ang buhay ng mga tao sa likod ng mga balita at ang sistemang nasa likod ng pagbabalita. Dahil biswal na naipapakita ang kalakaran sa news media, mas nauunawaan ng mambabasa kung paano ito mag-isip at gumalaw.
Dahil kadalasa'y mga isyung panlipunan ang iginuguhit ni Manix, siya'y naging inspirasyon para sa ibang mga komiks artist na gumuhit at umakda ng mga kwentong may kinalaman sa lipunan at politika. At dahil ang kaniyang pagguhit sa mga mahahalagang isyung ito ay sa pamamaraang asteeg, rakenrol, at hardcore, nagiging hip at in ang komiks na nagpapakita sa mga katotohanang nagaganap sa lipunan.
Karapat-dapat bang maigawad kay Manix Abrera ang 2011 WikiPinoy of the Year? Kung oo, iboto siya rito (huwag kalimutang i-add ang WikiPilipinas Org sa Facebook).
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Philippine Journalism Review ng Center for Media Freedom and Responsibility. '); return false;">
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook
